Wednesday, July 14, 2010

Independence day -Pista sa Paris

Today - July 14 Revolution day holiday at walang pasok si Claudebiko pero di kame makakalabas at makapanood ng fireworks mamayang gabi malapit sa Eiffel tower bakett??? Ang sagot : Pangit ang weather meaning - umuulan.

Nung July 4 - Ang init! celebration naman ng filipino independence day dito sa paris.
sobrang init para ke Bibingclara kaya umuwi kame kaagad
Umpisa na ang program sa gitna ng mainit na araw
Nagpa picture sa mga friends pagkatapos ng parada sa umaga
                                           Nagpa picture ang pamilya ( bago ako kumain ng halo-halo )
Nagpa picture sa aking mga friends na dancers ( bago umuwi )
Pagka uwi kinain ang natirang pancit luglog na binili sa filipino stall ( forgot na name of association ) masarap sya at panalo! ( naalala ko tuloy ang pancit malabon sa concepcion na lagi kong miryenda nung bata pa ako )
 Tinira ang isang ininit na balot na biniling malamig ( masarap naman balot pa rin )
Isang dosenang itlog na pula ang inuwi para iulam piso ang isa ( 1 euro ) binili ko ay dose so naka save so nabili for 10 euros ( kelangan kong matutunan ang pag gawa ng red eggs ako ay masyadong namamahalan ) hehehe

Ako ay meron pang natirang isang balot ( inilagay sa ref ) diko alam kung pede ko pang kainin. Ang itlog na pula naman ay gustong gusto na aking french fries pero diko inubos dahil ipa partner ko sya sa kamatis dahil magluluto me ng tocino at home-made longganisa sa bday ni Bibingclara :)

No comments: